Nagpaenroll ako kahapon pero i never thought na mabubuking ni mama yung dark secret ko haha. Shiyeet!! Di na kasi ako nagpapapasok sa school. If you know me personally, siguro mpapansin mo kung gano ako ktamad mag-aral.
Last sem, my grades were straight “DRP” or dropped hahaha. May isang lumalagapak na singko pala. Napakagandang tingnan ng grade form ko. New record. Kasi dati maximum na 3 dropped or 3 failing grade lang. Ngayon ni isang subject wala.
Being quite good at using mx fireworks and editing, nipeke ko yung grades ko. Pinalitan ko ng puro pasadong grades with the thought na di nila malalaman. Pero nagduda si mama. At pumunta sya ng skul kahapon at hiningi grade ko. Feeling ko kagabi katapusan na ng mundo. You can just imagine the look on my mom’s face.
Pero wala yun sa guilt na naramdaman ko. I really hate myself during these times. Maguiguilty ng sobra then magprapramis habang nakatingala sa langit na di na magloloko ulit pero ganun pa din naman nangyayare. My gah! 6 years na ko sa college haha. I wanna graduate na talaga kaso its just so hard for me to go to school and attend classes kasi sobrang boring. Kung related lang sa photoshop, web programming ang mga tinuturo siguro enjoy pa pero calculus, filipino, discrete math??? I know we have to study those subjects din pero they arent that important naman. Di ko magets kung baket mas marami pang minor subjects na wala namang silbi kesa sa major subjects.
And i found something out. Astig 2. Chismis hihi. Nagtransfer kasi ako sa STI-fairview. Nagulat ako kasi walang bayad yung paghingi ng bagong clearance sa kanila. I mean pag naiwala mo clearance mo at humingi ka ulet , walang bayad. Sa dati kong skul na STI din, may bayad. 30pesos! Negosyo? Who knows haha. Pati pagprocess ng honorable dismissal ang lahat ng kakailanganin sa pagtatransfer may bayad pero ganun siguro talaga. Ang di ko magets is kung bakit sa dati kong skul may bayad ang paghingi ng bagong clearance form tapos sa ibang STI branch wala.
Hmm.. Anyways, buti kinikibo na ko nina mama. Naguiguilty talaga ako and i promise myself na mula next next sem ill be the one to pay sa renta sa dorm. Gusto ko na magpakatino kaso ang hirap. Goodluck nlang ngayong sem






0 Responses to “Skul-Bukol: Long, Guilt-filled Day”